Ang stocks ay parte ng pag-aari ng isang kumpanya (“shares”), ang bonds ay mga pautang ng isang institution tulad ng gobyerno samantalang ang money market is a financial market involving short-term borrowing/lending.
Kung mag-iinvest ka sa mutual fund, ikaw ay magiging “shareholder” kung saan ang kikitaan ng mutual fund will equally divided with other shareholders. Ang mga kinitang ito ay possibleng galing sa profit ng shares from stocks or interest mula sa mga pautang o bonds (depende sa portfolio ng napili mong mutual fund).
Maaring makita buong listahan ng Mutual Fund dito sa Pilipinas sa website ng PIFA (Philippine Investment Fund Association).
Since mutual fund is consider as “investment”, investment by nature has gain or loss. Posible kang malugi kung di mo pag-aaralan ng mabuti ang pagpili ng mutual fund kung saan ka mag-iinvest. Hindi katulad ng bangko, kapag nalugi at nag-sara ito, guaranteed tayo ng PDIC (Philippine Deposit Insurance Corporation).
Dito sa Pilipinas, ang SEC (Securities and Exchange Commission) ang sector na nag-reregulate ng mga alituntunin sa pangangasiwa ng mutual fund. Ito ay upang matiyak ang kasiguruhan na mga salaping nilagak ng mga investors. Tiyaking ang “fund manager” ng inyong napiling mutual fund ay rehistradong investment company sa SEC.
This is my first post about Pinoy Mutual Fund. Small bits of information I guess…I will be discussing more on my subsequent blogs. Thank you for reading.
No comments:
Post a Comment